Category Archives: Samu’t Sari

Unang Bugso

 

 

buwan

AlasĀ onse na ng gabi, ang hirap pa ring makatulog dahil sa init ng panahon. Naalala ko na nag create ng pala ako ng account dito sa wordpress kaya eto
susubukan kong magsimula.

Para saan nga ba at nagsusulat ako dito? Sabihin na nating isa itong paraan para maiexpress ko ang aking sarili. Ganun kasimple.

Bakit “Arawbuhay”? Sounds like agaw buhay, may pagkanegative pero hindi naman talaga. Simpleng mga kwento lang siguro tungkol sa mga pang araw araw na pangyayari sa buhay natin na bibigyan ko ng konting atensyon, spekulasyon at kung ano ano pa.

Maaring nasa tagalog o nasa ingles ang mga isusulat ko, depende sa mood ko, pero pasintabi na, di ako expert sa english so kung may mali, ok lang na i correct ako. Yung mga tamang punctuations at kung ano pa ay hayaan ninyo na.

So eto na ito, ang una kong post. Sana madagdagan ko pa at mabasa ninyo at nawa ay makarelate o may matutunan kayo.